Home OPINION MAYORAL RACE SA MAYNILA LABO-LABO

MAYORAL RACE SA MAYNILA LABO-LABO

214
0

AKALAIN mo nga naman, hindi lang sina incumbent Manila Mayor Honey Lacuna at dating Manila Mayor Isko Moreno ang maglalaban para sa pagkaalkalde sa May 2025 midterm elections subalit may siyam na iba pa.

Ano nga kaya mayroon ang Lungsod ng Maynila at talagang pinag-aagawan? Isang halimbawa na nga ang mag-ate na sina Honey at Kois na napakatamis dati ng samahan pero ngayon ay sing-asim na ng suka dahil lang sa pulitika.

Maliban sa dalawang kilalang politiko, lalaban din sa mayoral race sa Maynila sina actor Raymond Bagatsing, Mahra Lorraine Tamondong at Partylist Rep. Sam Verzosa.

Tsismis muna tayo mga parekoy. Itong si Verzosa raw ay may malakas na panghatak maliban sa bigas at Spam na kanyang ipinamimigay. Ito ay walang iba kundi ang sinasabing syota nitong artist ana si Rhian Ramos.

Aba, oo naman. Kapag sa kampanya ay kasama nitong si Verzosa itong magandang talent ng GMA 7 ay tiyak na dadagsain ng tao ang kanyang lugar na pupuntahan sa Maynila.

Pero hindi naman patatalo si ex-Mayor Isko na siyempre isang artista rin isama pa ang kanyang anak na si Joaquin. Aba’y tiyak na tatauhin rin ang kanilang kampanya.

Siyempre hindi naman patatalo si Mayor Lacuna na ang pambatong artista ay ang kanyang running mate na si Vice Mayor Yul Servo na tinitilian din ng mga babae at kahit mga bading.

Ano pa ang artistang si Bagatsing na pwedeng sabihing kilabot din naman ng mga “chikababe” habang si Tamondong naman ay hindi rin pahuhuli ang ganda.

Aba’y puro artista na lang talaga ang kalakaran sa Maynila.

Hindi kilala ng inyong Juan de Sabog ang anim pang kandidato kaya hindi natin batid kung sila ba ay may mga kaibigang artista o sila mismo ay lahing artistahin.

Ang anim na iba pa ay sina Enrico Ferrer Ocampo, Ervin Stewart Koa Tan, Enrico Docot Reyes, Alvin Karingal at Jerry Garcia.

Ang running mate ni Moreno ay si Chi Atienza, ang running mate ni Bagatsing at si dating Rep. Pablo Dario Ocampo, habang ang iba pa na naghain ng certificate of candidacy for vice-mayor ay sina Solomon Say, Arvin Reyes, Niño Anthony Magno at Remedios Oyales.

Bilang Manileño, pipili ako ng batid kong totoong magtatrabaho para sa ikaaayos at ikauunlad ng Maynila. Ayoko sa kandidatong puro salita pero kulang sa gawa.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here