Ayon kay POPCOM Executive Director at Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang hindi napaghandaang pagbubuntis ay nakababawas sa oportunidad ng mga kabataan na makilahok at makibahagi sa mainstream development ng bansa.
Nasa 63% ng populasyon ay masasabing “potentially productive” pero kinakailangang tutukan ang mga aspeto ng youth empowerment, women’s labor force participation, kalidad ng edukasyon at technical vocational skills.
Sa pag-uulat ng bansa sa katatapos lamang na 2022 State of World Population, inihambing ang kalagayan ng populasyon ng bansa sa mga bansang Bangladesh, Benin, Chad at Indonesia, kung saan mas maraming nanganganak na mas mababa pa sa 18 years old dahil sa premarital sex.
Ang ganitong sitwasyon ay itinuturing na krisis ng PLCPD dahil sa kabila ng mga programa ng pamahalaan ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies sa bansa.
Iminumungkahi ng Philippine Commission on Population and Development (POPCOM), United Nations Population Fund, at Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) na panatilihin ang mahigpit na family planning program para mabawasan ang “unplanned pregnancies” lalong-lalo na sa mga kabataan.
Ipinag-utos ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 700 na gunitain ang October 15 ng bawat taon bilang “National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day”.
Pangunahing layunin ng obserbasyon na mapataas ang kamalayan ng publiko hinggil sa pagkamatay ng isang sanggol, pagbuo ng isang kumprehensibong support system sa mga apektadong pamilya lalong-lalo na sa mga magulang, partikular sa usapin ng mental health services, community programs at mga gabay sa maingat na pangangalaga ng kalusugan.
Inatasan ang Department of Health na siyang manguna sa selebrasyon at hinihikayat ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at pribadong sektor na suportahan ang mga isasagawang aktibidad.
Inamyendahan ng PP No. 700 ang PP No. 586 na nagdedeklara sa March 25 ng bawat taon bilang “Day of the Unborn” na nagsimula pa noong taong 2004 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa nakalap na datos ng 2022 National Demographic and Health Survey, nasa 12 percent ng pagbubuntis sa bansa ay nauuwi sa pagkamatay ng sanggol na maaaring dulot ng pagkalaglag o maagang pagkamatay sanhi ng karamdaman.
May 21 na mga sanggol ang namamatay sa bawat 1,000 ipinapanganak sa bansa.
Noong November 2018 ay ganap na naging batas ang Republic Act No. 11148 o ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act” na nagkakaloob ng suporta para sa kalusugan at nutrisyon ng sanggol at kanyang ina sa unang 1,000 araw ng buhay nito o katumbas ng dalawang taon.






