Home TOP STORIES Mayorya ng Abranon may napupulsuhang gobernador – sarbey

Mayorya ng Abranon may napupulsuhang gobernador – sarbey

MANILA, Philippines – Lumabas sa isang survey na two third ng mga botante ng Abra Province ang mas pipiliin na gawing Governador si Eustaquio Bersamin, ang kapatid ni Executive Sec. Lucas Bersamin laban sa katunggali nitong si Bangued Vice Mayor Joaquin Benos para ngayong 2025 Midterm election.

Base sa Tangere Survey mula January 13 hanggang January 16, 2025 na may 800 respondent at face to face interview, 68% o pito sa bawat botante ng Abra Province ay mas pipiliin si Bersamin na maging Gobernador habang 25% si Bernos at 7% naman ang undecided.

Sinabi na ang malakas na suporta na nakuha ni Bersamin ay mula sa mga bayan ng Bangued, Bucay, Ta-yum at La Paz. Ang pagiging popular, karanasan at kanyang track record sa pagiging Gobernador ang nagbigay ng malaking agwat kay Bersamin.

Sa nasabing survey, 99% ng mga tinanong ang nakakakilala sa kanya at 92% naman ang positive approval habang 85% ang popolurity at 65% ang positive rate ni Bernos. ‌

Kaugnay nito sa pagka-Bise Gobernador naman, 59% ang nakuha ng pamangkin ni Executive Sec. Lucas Bersamin na si Anna Marie kumpara sa katunggali nito na si Maria Jocelyn Bernos nanay ni Vice Mayor Bernos na nakakuha lamang ng 32%.

Samantala si Anna Marie ay anak ni dating Abra Cong. Luis Chito Bersamin na pinatay noong December 2006 habang dumadalo sa isang wedding ceremony. RNT