Home TOP STORIES Mayorya ng Batangueño dismayado sa serbisyo ng kuryente – survey

Mayorya ng Batangueño dismayado sa serbisyo ng kuryente – survey

0
Mayorya ng Batangueño dismayado sa serbisyo ng kuryente – survey

BATANGAS – Ipinakita ng isang survey na isinagawa ng Capstone-Intel Corporation na maraming residente ng Batangas ang hindi nasisiyahan sa serbisyo ng kanilang power cooperative, partikular sa usapin ng power interruption at mataas na singil.

Ang pag-aaral ay sumaklaw sa lahat ng 34 lungsod at munisipalidad sa lalawigan, na may 1,200 respondents gamit ang Probability Proportional to Size sampling. Lumabas sa resulta na 62% ng mga kalahok ang nakakaranas ng isa hanggang dalawang power outage kada buwan, habang ang ilan ay nakararanas pa ng hanggang sampu.

Ayon kay Dr. Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone-Intel, “Ang maaasahang kuryente ay hindi lamang kaginhawaan, kundi mahalaga sa ekonomiya at kalidad ng buhay.”

Naitala rin sa survey na mas mababa sa provincial average ang customer satisfaction ratings ng dalawang pangunahing electric cooperatives sa Batangas. Ang BATELEC 1 ay nakakuha ng 3.96 at ang BATELEC 2 ay may 3.90, kumpara sa average na 4.09. Sa customer service ratings, parehong nasa ibaba rin ng average na 4.04.

Ayon sa pahayag ng BATELEC II noong 2023, ang mga power interruption ay bunsod ng mga bagyo at iba pang weather disturbances na nakaaapekto sa kanilang linya ng kuryente.

Isinagawa ang survey noong Marso hanggang Abril 2025, na may pantay na representasyon ng mga lalaking at babaeng respondent. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here