MANILA, Philippines – KINOKONSIDERA ng karamihan sa mga filipino na seryosong problema ang misinformation o “fake news” sa media at internet.
Makikita sa kamakailan lamang na survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, may 59% ng mga Filipino ang kinokonsidera ang paglaganap ng fake news sa social media na isang seryosong usapin, habang 20% naman ang nagsabi na hindi ito seryoso.
May 21% ng mga respondent ang hindi sigurado ukol sa kabigatan o pagiging malala ng isyu.
Samantala, 62% ng mga respondent ang nagsabi na ang usapin ng fake news sa mga pahayagan, radyo at telebisyon ay “seryoso,” habang 18% ay ipinagpapalagay na ito ay “not serious.” May 21% naman ang nagsabi na hindi sila sigurado.
Lumabas din na may 65% ng mga filipino ang nagpahayag na nakikita nila ito na isang hamon sa pagitan ng ‘real at fake news’ sa iba’t ibang media platforms.
Partikular na rito, may 43% ang kinokonsidera ang task na medyo mahirap at 22% naman ang nagsabi na napakahirap tukuyin ang fake news.
Gayunman, may 23% ng mga respondent ang nagsabi na “somewhat easy” para tukuyin ang fake news sa media, habang may 12% ang naniniwala na ito’y “very easy.”
Samantala, ayon kay Stratbase President Dindo Manhit, patuloy na nagpapakita ng panganib ang fake news sa Pilipinas partikular na sa panahon ng halalan, kapuwa sa tradisyonal at online media.
Ang survey ay mayroong 1,800 respondent. Kris Jose