Home NATIONWIDE Media lounge ng TESDA, binuksan

Media lounge ng TESDA, binuksan

102
0
Matapos ang 16 na taon mula nang isara ang media lounge sa Technical Education and Skills Development Authority matapos ang termino ni dating Tesda Director Augusto Syjuco na nagsilbi simula 2004 hanggang 2010, sisimulan ngayong umaga ang pagpapasinaya ng media lounge ng naturang ahensya upang may mailapit sa publiko ang kanilang mga nais na iparating at makarating ang kanilang mga proyekto sa tao.Mula nang matapos ang naturang termino ni Syjuco ay hindi na muling nabuksan ang media lounge ng tesda at sa loob ng 16 na taon sa ilalim ni Secretary Kiko Benitez muling bubuksan ang bagong media lounge para sa mga isasagawang press conference ng naturang ahensya.Layunin nito na mas mapalakas ang information dissemination ng TESDA sa publiko sa pamamagitan ng mainstream media at online media upang mas maiparating ang tulong at serbisyo ng tesda. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here