Home NATIONWIDE Medical waste natagpuan sa highway sa Davao de Oro

Medical waste natagpuan sa highway sa Davao de Oro

73
0

MANILA, Philippine – Kinondena ng lokal na pamahalaan ng New Bataan, Davao de Oro ang hindi tamang pagtatapon ng medical waste sa Magangit-Camanlangan Highway.

Sa report, ang mga basura ay mula sa isang dialysis center.

Nagpahayag ng pangamba si Mayor Bianca Cualing-Brua sa insidente na may banta umano sa kalusugan at kaligtasan ng publiko maging sa kapaligiran.

Hindi aniya maaaring palampasin ang ganitong gawain.

Nagbabala ang lokal na pamahalaan sa lahat ng healthcare facilities kabilang ang service providers na sumunod sa tamang medical waste management standards.

Nakatakda ring maghain ng reklamong administratibo, kriminal at sibil ang mga awtoridad laban sa mga responsable sa insidente.

Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa mga awtoridad at Municipal Environment and Natural Resources Office para sa masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here