Manila, Philippines- Umiikot ngayon sa internet ang diumano’y medico legal ni Sandro Muhlach na nagpapakitang walang penetration na nangyari, at pati raw ang kanyang ari ay intact o walang damage/injury/lesion.
Rape ang ikinaso ni Sandro sa GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
May Facebook page na naglabas nito with the title: “Sandro Muhlach, Hindi Ginahasa. Medico Legal Report Lumabas Na.”
Ayon sa dokumento ay July 27 nagpa-medico legal si Sandro, 6 days matapos ang insidente nu’ng July 21, 2024 nang madaling araw.
Matatandaan na ayon sa statement ni Nino Muhlach under oath noong Senate Hearing pati na rin sa interviews, July 21 kinagabihan sila nakipagkita ni Sandro kay Sen. Bong Revilla para humingi ng tulong na magset-up ng meeting kay Annette Gozon.
Hindi klaro kung bago um-attend si Bong ng 40th PMPC Star Awards for Movies nangyari ang nasabing meeting.
Samantala, nag-file ng kaso si Sandro sa 3 accounts sa X at ilang Facebook pages. Cyberbullying ang charges sa mahigit 100 social media posts na nagpalala ng trauma ng 23-year-old na kuya ni Alonzo Muhlach.
Ramdam na ramdam mo ang katapangan ng kanyang tita na si Angela Muhlach sa pagdepensa kay Sandro sa X account na @NamanIndie, na pinuna ang hindi agarang pagpapa-medico legal ni Sandro noong July 21.
Para sa kanya ay bullying na nagpalala ng post-traumatic stress disorder o PTSD ni Sandro ang dulot ng mga accounts na walang mukha kaya pinaimbestigahan nila ang mga ito sa NBI Cybercrime Division.
Hirit pa ni Angela: “You were not there. I was there right after the incident. You do not know the evidences we hold. Thank you and God bless!”
Nang i-try naming i-click ang account para tingnan ang iba pang posts ay mukhang deactivated na ito.
Hindi pa malinaw kung kasama sa kaso ang YouTube accounts, radio, and tabloid reporters na nagpakalat na sa sobrang lala ng sinapit ni Sandro ay halos maputol na raw ang ari nito at kinailangang sumailalim ng operasyon.
Sa ngayon ay hindi natin masabi kung ano ang totoo pero ang malinaw ay napakaraming salapi ng pamilya ni Sandro para mag-file ng sandamakmak na kaso! Trixie Dauz