Home ENTERTAINMENT Megan, pinagbintangang mangkukulam!

Megan, pinagbintangang mangkukulam!

Mumbai, India – Tulad ng inaasahan, matagumpay na naitawid ni Megan Young ang pagho-host ng ika-71 Miss World.

Ginanap ang pageant sa India after more than 20 years, kung saan ang tinanghal na winner this year ay si Miss Czech Republic.

Bagama’t impressive ang hosting ni Megan ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mga bashers.

Partikular na ang mga tagasuporta ni Lesego Chombo na kinatawan ng Botswana ang namba-bash sa dating Miss World.

Wala namang naging sablay kung tutuusin si Megan except that she fixed Miss Botswana’s hair during the Q & A portion.

May superstitious belief pala ang mga mamamayan ng Botswana lalo pagdating sa mga beauty pageant.

Naghahatid daw kasi ng malas ang ginawang pag-aayos ni Megan ng buhok ng kanilang kandidata.

Dahil doon, tinawag na “wicked” ng mga bashers si Megan.

Nagpe-perform din daw ito ng “withcraft” o pangkukulam.

Sabi pa, bakit kailangan daw niyang ayusin ang buhok ni Lesego gayong hindi naman siya isang hairstylist.

Nagkakaisa ang mga taga-Botswana that hadn’t Megan fixed Lesego’s hair ay ito dapat ang kinoronahang successor ni Miss Poland.

Siyempre, hindi rin nawala ang mga dumpensa kay Megan.

Magulo raw kasi ang buhok ni Lesego kaya inayos niya.

Saka malay ba naman ni Megan na may ganoon palang pamahiin sa Botswana?

At kung isang witch si Megan, paniguradong marami ang gustong maging witch! Ronnie Carrasco III