Home METRO Mekaniko, timbog sa droga, baril

Mekaniko, timbog sa droga, baril

187
0

ZAMBALES, Philippines – Natiklo ng mga awtoridad ang isang mekaniko na tulak umano ng ipinagbabawal na droga at nakumpiskahan pa ng isang baril matapos masakote ito sa ikanasang buybust operation ng pulisya sa Barangay San Rafael, San Narciso.

Sa ulat na nakarating kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Alyas “Tolits”, 30 anyos at residente sa naturang lugar.

Nadakip ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa undercover police.

Nakumpiska sa suspek ang nasa higit 3.5 grams ng suspected shabu na may standard drug price na P24,000, marked money sa buybust at isang caliber 9mm revolver at mga bala.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Dangerous Drug Law at Illegal Possession of Firearms and Ammunition. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here