Home METRO Mekanikong rider na may sumpak nadakma sa Bulacan Oplan Sita

Mekanikong rider na may sumpak nadakma sa Bulacan Oplan Sita

426
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 27 anyos na motorcycle rider matapos mahulihan ng improvised firearm o “ sumpak” sa isinagawang Oplan Sita ng pulisya sa bayan ng Santa Maria.

Sa report ni PLTCOL Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria police station, kinilala ang suspek na si alyas “Dave”, mekaniko, residente sa nasabing bayan.

Ayon sa report, bandang 1:30 ng madaling araw nitong Oktubre 6 ay nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga pulis sa Santa Maria-Pandi road.

Nabatid na isang motorcycle rider na walang suot na helmet ang namataan ng mga pulis sa lugar kaya pinara nila ito.

Imbes na tumigil ay humarurot ang suspek subalit agad itomg nasundan ng mga pulis at nasukol kalaunan.

Nang inspeksyunin ang dala nitong sling bag ay natuklasan ang isang improvised zip gun (sumpak) na kargado ng isang bala ng caliber .45 kaya tuluyang inaresto.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here