Home NATIONWIDE Memorial mass para kay Pope Francis isasagawa sa Abril 25, 2025

Memorial mass para kay Pope Francis isasagawa sa Abril 25, 2025

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng memorial mass para kay Pope Francis sa ilang simbahan at Katolikong paaralan sa Biyernes, Abril 25, 2025.

Sa Santisimo Rosario Parish Church ng University of Santo Tomas sa Maynila, isasagawa ang misa sa ganap na 5:15 p.m., kasunod ng pagdarasal ng rosaryo mula Abril 23 hanggang 25 tuwing 4:30 p.m.

Sa Church of the Gesù ng Ateneo de Manila University sa Quezon City, nakatakda ang misa sa 5:30 p.m.

Samantala, magsasagawa rin ng misa ang Martin Family of Lisieux Chapel sa San Carlos Seminary College sa Cebu City tuwing 6:20 p.m. mula Abril 22 hanggang 30. RNT