Home METRO Menor de edad hinalay, nabuntis ng sariling ama

Menor de edad hinalay, nabuntis ng sariling ama

1
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang isang Ama sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape, sa EDSA Corner Edang St. Barangay 151 Pasay City , matapos na paulit ulit nitong pagsamantalahan at mabuntis ang kanyang sariling anak na menor de edad sa lalawigan ng Cavite.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng General Trias Component City Police Station na nakilala sa alyas Jessie na kabilang sa sa listahan ng PNP Rank No. 6  Regional Most Wanted Person sa lalawigan ng CALABARZON.

Batay sa report ng RID 4A nadakip ang suspek ng dakong alas- 12:55 ng tanghali ng pinagsanib na puwersa ng RIT Cavite, RID4A , warrant section of General Trias Component City Police Station, 401st A MC, RMFB 4A and NISG-NCR sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Flordeliz Cabanlit Fagar, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 5  Trece Martirez City, Cavite.

Napag-alaman na kabilang sa kasong kinakaharap ng suspek ang:

1. Qualified Rape of a Minor, docketed under Criminal Case No. TMCR-1303-26-GT;

2. Qualified Rape under Paragraph 1(a), Article 266-A in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code, docketed under Criminal Case No. TMCR-1304-26-GT;

3. Qualified Rape in relation to R.A. No. 7610, docketed under Criminal Case No. TMCR-1305-26-GT;

4. Qualified Rape in relation to R.A. No. 7610, docketed under Criminal Case No. TMCR-1306-26-GT;

5. Qualified Rape in relation to R.A. No. 7610, docketed under Criminal Case No. TMCR-1307-26-GT;

6. Qualified Rape in relation to R.A. No. 7610, docketed under Criminal Case No. TMCR-1308-26-GT; and

7. Qualified Rape in relation to R.A. No. 7610, docketed under Criminal Case No. TMCR-1309-26-GT kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Samantalang ang biktima ay nakararanas umano ng Complex Post Traumatic Stress Disorder (C-PTSD),  Major Depressive Disorder (MDD) and marked dissociative features hinggil sa paulit ulit na panghahalay ng suspek  na humantong sa mabuntis ang  biktimang  menor de edad  ng kanyang sariling ama (suspek). /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here