Home METRO Menor na manyakis timbog sa Taguig

Menor na manyakis timbog sa Taguig

167
0

MANILA, Philippines – Isang Child in Conflict with the Law (CICL) na tinaguriang top 1 most wanted person (MWP) sa mga kasong panggagahasa ang sinilbihan ng warrant of arrest sa pamamagitan ng lawful rescue operation sa Taguig City Biyernes ng hapon, Pebrero 27.

Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo ay kinilala ang inireskyung suspek na si alyas Nathan, 17, tinaguriang top 1 MWP station level sa Makati City nitong Marso 2026.

Matagumpay na naisakatuparan ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek bandang alas 3:10 ng hapon sa Blk. 1 Lot 26 P-1A, Central Bicutan, Taguig City.

Inisyu ang warrant of arrest nito lamang Pebrero 26, 2026 ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 na walang rekomendasyon na piyansa para sa tatlong kaso ng rape na kinahaharap ng suspek habang may kaakibat naman na rekomendasyon ng piyansang P120,000 sa kanyang kinahaharap na kasong rape by sexual assault.

Ang pagdakip sa suspek ay pinangunahan ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pakikipag-ugnayan ng District Intelligence Division (DID), DMFB-SPD Intelligence Section, at ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Makati City police.

Kasalukuyang nasa kustodiya ang suspek na CICL sa Bahay Pag-Asa, Brgy. Wawa, Taguig City para sa interbensyon ng juvenile justice protocols. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here