Home METRO 2 dayuhan arestado sa Pasay buy-bust ops; ugnayan sa sindikato, iimbestigahan –...

2 dayuhan arestado sa Pasay buy-bust ops; ugnayan sa sindikato, iimbestigahan – PNP

225
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Philippine National Police kung konektado sa mas malaking firearms syndicate sa Metro Manila at kalapit na rehiyon ang dalawang dayuhan na naaresto sa isang buy-bust operation sa Pasay City noong Pebrero 25.

Naaresto ang 39-anyos na Chinese at 33-anyos na Taiwanese sa loob ng isang restaurant sa J.W. Diokno Boulevard ng PNP Criminal Investigation and Detection Group–Southern Metro Manila District Field Unit.

Nasamsam mula sa kanila ang isang 9mm revolver, tatlong bala, buy-bust money, dalawang cellphone, at isang pouch bag.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., kasalukuyang sinusuri ng intelligence units kung sino pa ang kanilang mga kasabwat sa bansa.

“Hindi namin papayagan na gawing palaruan ng mga kriminal ang Pilipinas. If you come here to break our laws, expect that the PNP will catch you and you will face the full force of justice,” ani Nartatez. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here