Home NATIONWIDE “High-value target” list ‘di code para sa pagpatay – Kaufman

“High-value target” list ‘di code para sa pagpatay – Kaufman

144
0

THE HAGUE, Netherlands – Sa huling araw ng pre-trial hearings sa International Criminal Court, ipinagtanggol ni Nicholas Kaufman ang dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa paratang na ang “high-value target” (HVT) list ay plano para pumatay o “witch hunt.”

Ani Kaufman, ang HVT list ay isang operational classification lamang at “not a code for an instruction to kill or a witch hunt.” Sinabi rin niya na ang pagkaka-prioritize ng ilang indibidwal sa kampanya laban sa droga ay hindi nangangahulugang may krimen na nakaplano.

Tinukoy niya ang Incident 14, ang pagpatay sa Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at 15 iba pa, bilang halimbawa na apat sa mga tao ay naaresto nang buhay, na nagpapakita ng “selective and not indiscriminate use of force.” Dagdag pa niya, ang gunpowder residue sa mga biktima ay nagpapakita ng palitan ng putok, hindi simpleng pagpatay.

Gayunpaman, sinabi ni Menardo Guevarra na may nakitang lapses sa protocol sa ilang kaso ng HVT incidents, kabilang ang hindi ganap na pagsusuri sa armas at kakulangan sa pagtukoy kung ang mga suspek ay nakipagputukan sa pulisya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here