Home OPINION MENSAHE MULA SA MAPAGMAHAL NA INA

MENSAHE MULA SA MAPAGMAHAL NA INA

0
MENSAHE MULA SA MAPAGMAHAL NA INA

DAHIL isang araw bago ang 2025 Midterm Elections pumatak ang “Mother’s Day” kaya binabati ko ang lahat ng ina, tumatayong ina at nagsisilbing ina ng Maligayang Araw ng mga Nanay. Nawa’y patuloy ninyong isakatuparan ang inyong misyon sa buhay.

Sana nga ay maging tulad ang mga nanay nitong si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na panay-panay ang trabaho para sa patuloy na pag-usbong ng ekonomiya ng Maynila dahil sa mga trabahong ipinagkaloob sa mga Manileño, senior citizens at persons with disability.

Dahil mahal ni Mayor Honey ang kanyang mga nasasakupan, ipinagkaloob niya ang masinop na pamamahala sa mga pondo ng lungsod — maayos at tapat na mga proseso at patakaran, upang masigurong bawat piso ay nagagamit nang tama.

Inialay din ni Mayora ang paggalang sa karapatan ng mga manggagawa at pagtulong sa mga entrepreneur na gustong magtagumpay upang maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan.

Hindi kinalimutan ni Dra. Honey ang pagbibigay ng importansya sa mataas na kalidad ng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo, tinitiyak na ang mga estudyante ay hindi lamang marunong magbasa kundi tunay na nauunawaan ang kanilang binabasa at mahusay sa matematika. Suporta para sa mga guro, estudyante, at paaralan ang ating prayoridad.

Mapagkalingang serbisyong pangkalusugan at social services — mula sa mga ospital at super health centers, hanggang sa mga programang ayuda upang masuklian nang tapat ang buwis na ibinabayad ng ating mga mamamayan.

Kaligtasan ng bawat Manileño laban sa krimen, pang-aabuso, at karahasan. Ang bawat lansangan, bawat kanto ng Maynila ay dapat maging ligtas para sa lahat. Sa tulong ng mas pinaigting na presensya ng kapulisan, mas pinadaling proseso ng pagsusumbong ng krimen, CCTVs sa mga kritikal na lugar, at pakikipagtulungan sa mga barangay, walang puwang ang mga kriminal sa ating lungsod.

Kaligtasan ng bawat Manileño mula sa sunog, baha, at iba pang sakuna. Sa susunod na tatlong taon, magpapagawa tayo ng mga evacuation centers sa tulong ng national government.

Proteksyon sa ating mga vendors at mga truckers. Kapanatagan na wala nang mangongotong sa kanila.

Pruweba ang kauna-unahang Seal of Good Local Governance na nakamit ng Maynila sa ilalim ng aking pamumuno, mas marami pa tayong mapagtatagumpayan dahil sa ating pagkakaisa.

Iyan ang alay ni Mayora Lacuna, Serbisyong Diretso sa inyo — TAPAT at TOTOO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here