Home NATIONWIDE Mensahe ni PBBM sa Linggo ng Pagkabuhay: Rise in Action, Make a...

Mensahe ni PBBM sa Linggo ng Pagkabuhay: Rise in Action, Make a Difference

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pagkilos, kasabay ng paggunita sa Linggo ng Pagkabuhay. Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pang-unawa, pagkakaisa, at inklusibong pamamahala sa gitna ng mga kinakaharap na hamon ng bansa.

Sa kanyang opisyal na pahayag para sa isa sa pinakamahalagang araw sa Kristiyanong kalendaryo, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Muling Pagkabuhay ni Hesukristo ay hindi lamang simbolo ng pag-asa kundi isang panawagan para sa pagbabago—lalo na para sa mga taong “nalulubog sa utang, sa gutom, at sa katahimikan.”

“The triumph of Easter Sunday is not just a celebration filled with hope and aspiration for a better tomorrow, but also a testament to the victory of life over death, hope over despair, and light over darkness,” ani Pangulong Marcos.

Dagdag pa niya, “It is a clear and solemn affirmation that challenges are not the end, but the means for the reward that we, too, shall receive, through our faithfulness in doing the will of the Almighty.”

Ayon sa Pangulo, ang Linggo ng Pagkabuhay ay isang sagradong araw ng paggunita sa sakripisyo at Muling Pagkabuhay ni Hesukristo—isang pagkakataon upang magnilay, magsisi, at muling mapalapit sa Diyos.

Hinikayat din niya ang mga mananampalataya na yakapin ang aktibong pananampalataya na naisasabuhay sa pamamagitan ng mga patakaran at pamahalaang nakatuon sa kapakanan ng lahat.

“The Resurrection is not just a moment to celebrate, it is a call to action,” aniya.

“The risen Christ does not rise alone; He invites us to rise with Him — through policies that heal, through laws that protect, and through governance that leaves no one behind.”

Nanawagan din ang Pangulo sa publiko na makilahok sa nation-building sa pamamagitan ng serbisyo publiko at aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.

“We must rise — not merely in belief, but in deeds; and not only in prayer, but in action,” anang Pangulo.

“The stone has been rolled away. We are now exposed not just to boundless possibilities, but also to the knowledge that we, too, can make a difference.” Kris Jose