Home NATIONWIDE 53 insidente naitala sa Holy Week – PNP

53 insidente naitala sa Holy Week – PNP

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Naitala ng Philippine National Police ang 53 insidente ngayong Holy Week 2025, kabilang ang 31 kaso ng pagkalunod, 5 aksidente sa kalsada, isang robbery sa Region 10, sunog sa NCR, Region 8 at 9, at ilang kaso ng karahasan.

“Itong 53, kasama na po diyan ang drowning incidents. Meron tayong vehicular accidents na 5. Robbery-holdup na isa sa Region 10, at nagkaroon tayo ng sunog sa NCRPO, Region 8, at Region 9. Tapos meron tayong acts of lasciviousness, stabbing, at mga maliliit na mga threat,” ani Col. Randulf Tuaño.

Dagdag pa niya na mas tahimik ang selebrasyon ngayong taon, at bumaba ng 28% ang kaso ng pagkalunod kumpara noong 2024, bagamat may mga nasawi pa rin.

Mananatiling naka-heightened alert ang PNP, na may hanggang 69,000 pulis na ide-deploy hanggang Mayo 31 bilang paghahanda sa nalalapit na halalan. Santi Celario