Home METRO P1.7M tobats nasabat sa Pasay drug ops

P1.7M tobats nasabat sa Pasay drug ops

Sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga ay nakumpiska ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU)  ang P1,700,000 halaga ng shabu kasabay ng pag-aresto ng tatlong ikinokonsiderang high value individuals (HVIs) gabi ng BIyernes Santo, Abril 18.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) acting director PBGen Joseph R. Arguelles, ang mga nadakip na suspek na sina alyas Jayson, 26; alytas Jericho, 35; at isang babaeng suspect na si alyas Mary Grace, 30.

Base sa report na natanggap ni Arguelles, matagumpay na naisagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng DDEU na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspects dakong alas 9:03 ng gabi Barangay 76, Pasay City.

Ang operasyon ng DDEU ay may koordinasyon sa District Investigation Division (DID-SPD), Sub-Station 1 ng Pasay City police station at sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng local na kapulisan.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 250 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,700,000; isang kulay puti na Samsung keypad cellphone; isang kulay puti na KIA Forte sedan; at ang P1,000 (serial number NF146013) na ginamit bilang buy-bust money na kasama ang tig-P1,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang nakumpsikang ebidensya ay dinalasa SPD Forensic Unit para isailalim sa laboratory examination habang ang mga nadakip na suspects ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Arguelles ang mga operatiba sa pagkakadakip sa mga suspects at pagkakumpiska ng ilegal na droga at sinabing, “This successful operation reflects our unyielding commitment to suppress the illegal drug trade within our jurisdiction. We will continue to pursue these operations with precision, guided by our duty to protect communities and uphold the rule of law.” (James I. Catapusan)