MANILA, Philippines – Tataas ang babayarang bill sa kuryente ng mga customer ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan, bunsod sa taas-singil sa generation charges.
Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na magtataas ito ng 42.74 centavos kada kilowatt-hour (kWh), na magdadala sa kabuuang rate para sa isang tipikal na sambahayan sa P11.8569 kada kWh mula sa P11.4295 kada kWh noong nakaraang buwan.