Home ENTERTAINMENT Mercy, inilibing na!

Mercy, inilibing na!

Manila, Philippines – Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang Aegis vocalist na si Mercy Sunot nitong December 12, Huwebes.

Ito’y makaraan ng halos isang buwan nang pumanaw noong November 18 sa San Francisco, USA.

Mercy was 48.

Tatlong uri ng cancer ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Una’y ang breast cancer, pero nang nasa Amerika na’y na-diagnose na meron din siyang cancer sa baga at buto.

Nitong December 8 ay nauwi na ang kanyang mga labi sa tahanan nila sa Carmona, Cavite.

Kinabukasan, December 9 ay ang unang araw ng kanyang lamay.

Nagtulung-tulong ang mga kapatid ni Mercy at co-members ng Aegis para ayusan siya.

Inirekomenda ng manyang doktor noon na i-intubate siya pero tumanggi siya.

Baka raw kasi maapektuhan ang kanyang boses.

Sumang-ayon din ang doktor na baka mahirapan si Mercy sa paghinga.

Kahit nasuri nang may inlindang karamdaman, buo ang loob ni Mercy na gagaling siya.

Si Willie Revillame ang isa sa mga dumalaw sa wake ng mang-aawit.

Naulila ni Mercy ang dalawang anak–isang lalaki’t isang babae.

Mapayapang paglalakbay, Mercy Sunot. Ronnie Carrasco III