Home METRO MPD magpapakalat ng 1,200 parak sa pagdagsa ng mamimili sa Divisoria

MPD magpapakalat ng 1,200 parak sa pagdagsa ng mamimili sa Divisoria

MANILA, Philippines- Magtatalaga ang Manila Police District (MPD) ng 1,200 pulis sa Divisoria market at iba pang matataong lugar para sa Kapaskuhan.

Sinabi ni MPD spokesman P/Maj. Philipp Ines na sa ilalim ng Paskuhang Pinoy 2024 security plan nito, pangungunahan ng mga tauhan mula sa Moriones at Meisic Police Stations ang foot patrols sa Divisoria habang ang iba ay itatalaga sa mga pasyaln, simbahan, at iba pang lugar.

“Mahigit 1,200 mga MPD personnel ang gagamitin natn dito….sa mga placed of convergence kasama na siyempre yung mga simbahan natin, mga ospital, bus terminal at kahalintulad nito,” wika ni Ines.

“Iwasan na nating magdala ng mga malalaking pera at mga alahas natin – alam natin siksikan talaga ‘to,” paalala pa ng opisyal.

Bukas ang Divisoria night market mula alas-5 ng hapon hanggang alas-5 ng madaling araw.

Noong nakaraang taon, ang crowd estimate sa Divisoria ay umabot sa 2 milyon sa Christmas holiday rush, ani Ines. RNT/SA