BACOLOD CITY- Nasunog ang 31 stalls sa Bacolod Central Market nitong Biyernes na nagdulot ng pinsalang tinatayang aabot sa P4,752,000.
Sinabi ni Fire Supt. Jenny Mae Masip, Bacolod fire marshal, na winasak ng sunog ang 18 stalls at nagdulot ng pinsala sa 13 iba pa.
Sinabi ni Bacolod Mayor Alfredo Abelardo Benitez, na nasa pinangyarihan ng sunog kasama si Bacolod Councilor Celia Flor, na inatasan ang city engineers na bumuo ng rehabilitation plan.
“I also spoke with vendors and assured them that the city will provide timely assistance to support their recovery,” anang alkalde.
Inihayag naman ni Flor, committee on markets chairperson ng city council, na itatalaga ang Bonifacio Street bilang temporary relocation site para sa apektadong vendors.
Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.
“I remind everyone to practice fire safety by checking electrical installations, avoiding overloaded outlets, properly storing flammable materials, and staying alert to potential hazards,” ayon pa kay Benitez. RNT/SA