Home METRO Yellow alert itinaas sa Visayas grid

Yellow alert itinaas sa Visayas grid

1
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ng yellow alert sa Visayas grid ngayong Lunes dahil sa manipis na suplay ng kuryente habang nananatiling offline ang ilang malalaking coal power plant.

Ayon sa NGCP, epektibo ang yellow alert mula 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.

Batay sa datos alas-8:00 ng umaga, ang available capacity ay 2,478 megawatts (MW) habang ang inaasahang peak demand ay 2,327 MW.

Ang yellow alert ay nangangahulugang kumokonti ang reserbang kuryente, kaya anumang biglaang pagpalya ng isang planta ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng power interruption. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here