Home NATIONWIDE Nagbanta kina Hontiveros, PBBM parehong indibidwal – NBI

Nagbanta kina Hontiveros, PBBM parehong indibidwal – NBI

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang mga taong umano’y nagbanta kay Senador Risa Hontiveros ay siya ring nagbanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nakatanggap ang NBI ng maraming banta laban sa Pangulo.

“Actually, we’ve already penetrated it. Though I cannot give too many details because we are still investigating,” sabi ni Matibag.

Sinimulan ng NBI ang imbestigasyon matapos makatanggap si Hontiveros ng online death threats kasunod ng pagpatay sa vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City noong Hulyo 17.

Natukoy na ng NBI ang ilang persons of interest at patuloy na bumubuo ng mga kaso na maaaring ihain sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Matibag, maghahain sila ng mga reklamo kapag sapat na ang kanilang makakalap na ebidensya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here