Home METRO Metro Manila, 10 probinsya uulanin ngayong Biyernes

Metro Manila, 10 probinsya uulanin ngayong Biyernes

MANILA, Philippines – Posibleng ulanin ang Metro Manila at 10 lalawigan ngayong Biyernes ng hapon, sinabi ng state weather bureau PAGASA.

Sa advisory na inilabas nitong umaga, sinabi ng PAGASA bukod sa Metro Manila, ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ay inaasahan sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong oras sa:

-Zambales
-Pampanga
-Tarlac
-Cavite
-Bulacan
-Batangas
-Nueva Ecija
-Rizal
-Laguna
-Quezon.

Sinabi ng PAGASA na katamtaman at malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Bagac at Mariveles sa Bataan na maaaring tumagal sa loob ng dalawang oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.

Ang mga apektadong residente ay pinapayuhan na gumawa ng mga hakbang sa pag-iingat laban sa mga epekto na nauugnay sa mga panganib na ito, kabilang ang mga flash flood at landslide. RNT