Home OPINION MGA ABUSADONG OFW

MGA ABUSADONG OFW

240
0

IBAT ibang ugali ang dahilan kung bakit ang iba sa ating overseas Filipino workers ấy hindi tumatagal kanilang mga amo at kung talagang usisaing maigi kung sino sa kanila ang nagsasabi nang totoo kung saan lilitaw at lilitaw ang katotohanan.

Kung may malupit na mga amo, may mababait din naman, pero merong mga workers abroad na kung makapagkwento ấy parati silang api at kesyo hindi maganda ang ugali ng kanilang amo kung kaya nilalayasan nila agad para makahanap ng ibang amo.

Meron domestic helper na kapag napagsabihan lang o hinigpitan na huwag gumamit ng computer o cellphone sa oras ng trabaho, agad itong nagsusumbong na pinagmamalupitan sila.

Merong nabulungan lang ng boyfriend na pwedeng layasan ang kanilang amo ay kaagad na nakikinig at humahanap ng ibang amo at trabaho.

Balang araw, malamang hindi na kukuha ng DH ang bansang KSA, Bahrain, UAE kapag hindi nasawata ang ganitong ugali ng ilang kababaihang OFW.

Ang iba’t-ibang bansa sa Middle East ay may mga puso’t damdamin ding marunong gumalang sa kababaihan at law abiding citizen din.

May mga among nakukulong din at kung anong parusa ang natatanggap dahil sa kanilang makahayop na pagtrato sa kanilang kasambahay.

Ang talagang may kasalanan kung bakit nakaranas ng pagmamaltrato ay sila rin ang dahilan at kagustuhang makapagtrabaho sa Middle East.

May punto ang kasabihang “Kung hindi nila ginusto na mapunta sa mga nasabing lugar ấy hindi nila dadanasin na magahasa, mahulog sa bintana at mabuhusan ng mainit na tubig.”

Kung talagang gusto mabuhay na mapayapa at kung ang ating mga kababaihan ay marunong lang sa buhay at hindi na nila kailangang mangarap ng masyadong matayog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here