Home NATIONWIDE Mga alkalde hinikayat ni PBBM na maging ‘techy’ sa pagpapahusay ng serbisyo

Mga alkalde hinikayat ni PBBM na maging ‘techy’ sa pagpapahusay ng serbisyo

MANILA, Philippines HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga local chief executives na maging ‘teki’ o gamitin ang bagong teknolohiya sa pamamahala upang mas maging episyente at epektibo ang pagbibigay ng serbisyo -publiko.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 2025 League of Municipalities of the Philippines (LMP) General Assembly sa Manila Hotel sa Lungsod ng Maynila, sinabi nito na mangyaring sumabay sa ‘technology trends’ para mapanatili ang progreso at pag-unlad ng bansa.

“This is very, very important because without doing this, as you can see, we have seen the differences not only within our own political system but also with the different countries around the world,” ayon kay Pangulong Marcos.

“What faces us today is a highly technical world, a highly technical system for our different economies, for the global economy. And they are rapidly accelerating development in all kinds of research and technology. And that is why we have to keep up with that,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Pangulo na dapat makipagsabayan ang Pilipinas at mag-adopt ng technological advancements, lalo pa’t ang mga bansa na gumagamit ng makabagong teknolohiya ay matagumpay na.

Aniya pa, ang administrasyon ay nakatuon sa “streamlining at digitalizing” ng burukrasya para ayusin ang government services at tiyakin na ang umiiral na polisiya ay epektibo sa pagtugon sa “actual [and] contemporary”na mga hamon na kinahaharap ng lokal na pamahalaan.

“We have made critical government services more transparent and accessible to our people,” ang sinabi pa nito.

“Maganda naman ang nagiging progreso. Kailangan lang nating ipagpatuloy at tuloy naman ang pagsuporta sa pag-adopt ng bagong teknolohiya,” ang sinabi ni Pangulong Marcos..

Tinukoy naman ng Chief Excecutive ang implementasyon ng Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS), sabay sabing may 113 mula sa 1,634 local government units (LGUs) ang ganap na nakasunod at nakatupad noong 2024.

Pinuri naman nito ang mahigit na 1,200 LGUs na nagsimulan na ang automation efforts para palakasin ang kanilang transaksyon noong nakaraang taon.

At upang maitaguyod ang streamline services, sinabi ni Pangulong Marcos na nag-develop ang pamahalaan ng eLGU bilang isang ready-to-use eBOSS platform, na in-adopt ng 741 LGUs sa kaparehong taon.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng mga Alkalde ang ”positive impact” sa kanilang constituents kahit tapos na ang kanilang termino.

Ito, gaya ng pagturing ni Pangulong Marcos sa mga municipal mayor bilang mahalagang ‘first responders’ sa pamamahala, binigyang diin ang kanilang papel sa pagkonekta sa mga tao sa national government, lalo na sa kritikal na panahon.

“As this term comes to close, I encourage you to reflect on the work that you have done. And whatever path you choose after this, whether you seek another mandate or move on to a new chapter in your lives, I trust that you will embrace the same grit, passion, and commitment to service,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Even beyond your tenure, I hope that you will adopt and sustain the reforms that we have introduced in national and in local government,” dagdag na wika nito.

Ang 2025 LMP General Assembly, may temang “Legacy of Leadership, Sustainable Future: Leaders Building Together for National Progress” ay nagsimula nito lamang araw ng Lunes, at tatakbo ng hanggang araw ng Huwebes, Pebrero 13, dahilan para magsama-sama ang 1,400 municipal mayors mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Kris Jose