MANILA, Philippines – Isang masuwerteng mananaya ang nanalo ng P10.26 milyong jackpot sa Megalotto 6/45 noong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Nagawang mahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 13-30-35-12-41-05.
Samantala, walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot na P63.45 milyon matapos walang tumama sa kombinasyong 07-54-47-32-43-09. RNT