Home HOME BANNER STORY NPA leader Maria Malaya tigok sa Butuan clash

NPA leader Maria Malaya tigok sa Butuan clash

Larawan ni Myrna Sularte, alyas Maria Malaya

DAVAO CITY – Patay sa engkwentro si Myrna Sularte, alias Maria Malaya, isang mataas na pinuno ng New People’s Army (NPA) at biyuda ng yumaong rebelde na si Jorge “Ka Oris” Madlos, sa Butuan City, Agusan del Norte noong Pebrero 12.

Ayon kay Capt. Jonel Castillo ng Army 901st Brigade, si Sularte ang kalihim ng NPA-Northeastern Mindanao Regional Committee at miyembro ng political bureau ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Nakasagupa ng militar ang kanyang grupo ng dalawang beses sa umaga bago siya tuluyang napatay sa engkwentro sa hapon sa Barangay Pianing.

Itinuturing itong malaking dagok sa kilusan sa Northeastern Mindanao dahil walang malinaw na hahalili sa kanya.

Tubong Bayugan City, Agusan del Sur, si Sularte ay isa sa mga pinakanais patayin o hulihin ng gobyerno dahil sa mga kasong rebelyon at pagpatay. RNT