Home METRO 6,500 katao lumikas sa malawakang baha sa Palawan

6,500 katao lumikas sa malawakang baha sa Palawan

Mahigit 1,800 pamilya, o tinatayang 6,500 katao, ang lumikas matapos ang matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng shear line sa Palawan.

Apektado ang mga bayan ng Aborlan, Narra, Sofronio Española, at Brooke’s Point, kung saan nagsilikas ang mga residente sa iba’t ibang evacuation centers, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Noong Pebrero 11, namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng 500 family food packs sa Brooke’s Point.

Pinangunahan mismo ni Gobernador Dennis Socrates ang pamimigay ng ayuda sa Barangay Aribungos, kasama ang ilang opisyal ng lalawigan.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng anim na kilong bigas, de-lata, kape, at energy drink. RNT