Home NATIONWIDE Unang araw ng 2025 election campaign period, mapayapa – PNP

Unang araw ng 2025 election campaign period, mapayapa – PNP

MANILA – Inulat ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang unang araw ng 90-araw na kampanya para sa mga pambansang kandidato, ayon sa ulat ng National Election Monitoring Action Center.

Nanawagan ang PNP sa mga kandidato, tagasuporta, at publiko na panatilihin ang kapayapaan at sumunod sa mga batas panghalalan, partikular ang gun ban na ipinatutupad kasama ang Commission on Elections.

Muling tiniyak ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagiging patas at propesyonal ng kapulisan sa pagsigurong maayos at ligtas ang halalan.

Magsisimula naman ang kampanya para sa mga lokal na kandidato sa Marso 28. Santi Celario