Home NATIONWIDE Mga barko ng China sa Bajo de Masinloc dumami noong 2025 –...

Mga barko ng China sa Bajo de Masinloc dumami noong 2025 – PCG

211
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtaas na presensiya ng mga puwersa ng China sa karagatan sakop ng Pilipinas dagat, kabilang ang mga barkong pandigma, sa paligid ng Bajo de Masinloc noong 2025 kumpara sa 2024.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang mga barko ng China Coast Guard (CCG) ay unti-unting lumalapit sa baybayin ng Luzon.

Sinabi ni Tarriela na ang pinakamalapit na naitalang paglapit ng barko ng China ay noong Abril 8, 2025 nang umabot ang isang barko ng CCG sa 23 nautical miles mula sa baybayin ng Dasol, Pangasinan.

Ayon kay Tarriela, ito ay isang pagbabago mula noong 2024 nang ang mga barko ng CCG ay pangunahing nag-ooperate sa loob ng 10 hanggang 15 nautical miles radius ng Bajo de Masinloc.

Dahil dito, mas pinalawak ng PCG ang presensiya nito sa lugar ng Bajo de Masinloc.

Matatagluan ang Bajo de Masinloc 124 nautical miles mula sa Masinloc, Zambales, at itinuturing na nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here