Home METRO Mga barong-barong sa gilid ng estero, gumuho!

Mga barong-barong sa gilid ng estero, gumuho!

282
0

MANILA, Philippines- Labindalawang pamilya ang naapektuhan ng pagguho ng mga kabahayan sa gilid ng estero sa Isla Bungad, Isla Puting Bato, Barangay 20, Tondo, Manila, Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng Manila Police District- Delpan Police Station 12, bandang alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Agad namang inutos ni Police Lieutenant Colonel Restito Acohon, Station Commander kay Police Captain Cleo Martin Alngong ng PCP 1, na pangasiwaan ang seguridad sa lugar.

Ayon sa report, basta na lamang umanong sabay-sabay na bumigay ang mga barong-barong sa gilid ng estero kaya nahulog ang mga residente sa tubig, pero wala namang naiulat na nasaktan.

Dahil sa gawa sa light material ang mga barong-barong ay basta na lamang na nag-collapse ang mga ito na dahil sa hinihinalang paglambot ng lupa dulot ng sunod-sunod na pag-ulan nitong nakalipas na linggo.

Alas-7 ng gabi nang sumaklolo ang Manila Disaster Risk Reproduction Management Office ( MDRRMO) at mga barangay official sa lugar upang dalhin ang mga pamilya sa Delpan Evacuation Center para sa doon pansamantalang manatili. Rene Crisostomo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here