Home ENTERTAINMENT Vivamax babe Manang Medina, jowa ng anak ni Osang!

Vivamax babe Manang Medina, jowa ng anak ni Osang!

Manila, Philippines – What a small world!

Akalain ‘yo bang ang nobyo pala ng newbie na si Manang Medina of two years ay ang anak ni Rosanna Roces na si Onyok?

Manang met Onyok through Osang.

Sa set ‘yon ng pelikulang Revirginized kung saan kasama si Manang.

Idinirek ‘yon ni Daryll Yap who happens to be Manang’s kababayan.

Kapwa sila taga-Olongapo, Zambales.

Manang debuted in the film Lagaslas.

Bibida na sana siya sa The Unmaking of a Manang ni direk Daryl kaso’y hindi natuloy ang

project.

Sinang-ayunan ng theatre actress palang si Manang ang kanyang screen name para madali daw itong matandaan.

Nagkabistuhan lang kung sino ang kanyang karelasyon when asked about her lovelife.

Taken na raw siya ng isang non-showbiz guy.

Wala raw trabaho ang kanyang nobyo pero nagnenegosyo sila ng sapatos sa bahay.

Magkasama rin sila sa isang tirahan sa Antipolo.

Nagkagulatan lang nang i-reveal na ni Manang ang pagkakakilanlan ng nobyo.

Nagulat siya dahil kilala ng press si Onyok, ang anak nga ni Rosanna.

Onyok’s sister is Grace na dating karelasyon ni Jolo Revilla.

They have a son named Gab na bale apo nina Senator Bong Revilla at Bacoor Representative Lani Mercado.

In fairness, masipag si Onyok kava he and Manang make a good pair. Ronnie Carrasco III