MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Ports Authority (PPA) na pansamantalang kanselado ang byahe ng ilang barko dahil sa nararanasang sama ng panahon.
Pansamantala ring suspendido ang port operations sa Port of Pasacao ngayong araw dahil sa malakas na hangin at malalaking alon dulot ng pinalakas na Hanging “Habagat” (Southwest Monsoon), na posibleng epekto din ng Severe Tropical Storm “Carina”.
Kabilang sa mga barko na kanselado ang byahe ay ang MV “Virgen de Peñafrancia Tres Reyes” ng Starhorse Shipping Lines, Inc. na may ruta mula San Pascual, Burias Island, Masbate – Pasacao, Camarines Sur ngayong araw, ika-22 ng Hulyo taong 2024.
Gayundin ang Fastcraft ng Montenegro Shipping Lines na may ruta na Masbate- Pilar, vice versa, LCT Kobo ng Kho Shipping Limes na may byaheng Mobo – Pasacao vice versa, at Virgen de Peñafrancia ng Starhorse Shipping Lines na may rutang San Pascual-Pasacao vice versa.
Paalala ng PPA sa mga pasaherong apektado na direktang makipag-ugnayan sa mga shipping lines para sa karagdagang impornasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden