Home METRO Mga bumisita sa Pasig Catholic Cemetery mahigit 5K na

Mga bumisita sa Pasig Catholic Cemetery mahigit 5K na

MANILA, Philippines – Lampas na sa 5,000 ang bilang ng mga bumisita sa Pasig Catholic Cemetery ayon sa pamunuan ng naturang sementeryo.

Hanggang alas-10 ng umaga nitong Miyerkules, Oktubre 1, ay umabot na sa 5,000 ang mga bumisita ngayong araw.

Posible umanong mahigitan pa ang bilang na ito ng mga bumisita kahapon, Oktubre 31 na umabot sa 10,000.

Samantala, bukas 24 oras ngayong araw ang Pasig Catholic Cemetery, maging ang iba pang mga sementeryo sa Pasig City katulad ng Evergreen Cemetery, Pasig City Cemetery, at Santolan Catholic Cemetery. RNT/JGC