Home NATIONWIDE Walang banta sa seguridad sa Undas – Acorda

Walang banta sa seguridad sa Undas – Acorda

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr na walang banta sa seguridad sa paggunita ng Undas ngayong araw, Nobyembre 1.

Sa kanyang pag-iinspeksyon at pagtungo nito sa Manila North Cemetery, sinabi ni Acorda na wala silang natatanggap at nakakalap na impormasyon hinggil sa banta ng panggugulo ngayong Undas.

Ayon pa sa PNP Chief, ipauubaya na sa area commanders ang pagpapanatili ng alerto depende sa sitwasyon sa kanilang lugar ngunit naka-full alert status pa rin ang sitwasyon sa mga sementeryo sa Maynila partikular sa MNC.

Idinagdag pa ni Acorda na sa mga oras na ito ay wala pang naitatalang mga untoward incident maliban sa isang lalaki na bahagyang nasugatan nang dumaan sa lagusang hagdan sa gilid ng MNC. Jocelyn Tabangcura-Domenden