Home HOME BANNER STORY PBBM nagpadala ng bulaklak sa libingan nina Ex-Prexy Noynoy, Cory, at Ninoy

PBBM nagpadala ng bulaklak sa libingan nina Ex-Prexy Noynoy, Cory, at Ninoy

MANILA, Philippines – Nagpadala ng mga bulaklak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa libingan nina dating Pangulong Cory Aquino, Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. ngayong Miyerkules, Nobyembre 1.

Makikita sa ribbon na nakalagay sa mga bulaklak ang pangalan ni Marcos, na ipinadala sa Manila Memorial Park kung saan nakalagak ang labi ng dalawang dating Pangulo at dating senador. RNT/JGC