Home HOME BANNER STORY Pinoy-style Halloween pa’no nga ba gunitain?

Pinoy-style Halloween pa’no nga ba gunitain?

MANILA, Philippines- Bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino tuwing Undas ang pagbisita sa mga sementeryo tuwing All Saints’ Day at All Souls’ Day—Nov. 1 at 2.

Nagtitipon ang mga pamilya sa mausoleums, nagsisindi ng mga kandila at nag-aalay ng bulaklak sa mga puntod, at tipikal nang makikita ang hanay ng mga nagtitinda ng kandila at bulaklaw tuwing Undas sa Pilipinas.

Sa Pilipinas kung saan karamihan ay mga Katoliko, karaniwang nagsisindi ng kandila tuwing nananalangin. Paniwala ng iba, naitataboy nito ang masamang espiritu.

“Some said it serves as light or guidance [for the souls of the departed] so they can enter Heaven.”

Samantala, nakagawian na rin ng mga Pilipino tuwing Undas ang pagdiriwang ng “Halloween” na pinaniniwalaang nag-ugat sa paniniwalang Kristiyano at pagano.

Anang ilan, nagmula ang Halloween sa Samhain, isa sa maraming Celtic harvest festivals. Tinatawag naman ng iba ang Halloween na All Hallows’ Eve, o kilala sa mga Kristiyano na gabi bago sumapit ang All Saints’ Day.

“(Halloween is) connected to ‘hallow’, in the sense of saints,” ayon kay Fr. Jason Laguerta, parish priest ng St. Maria Goretti Parish sa UN Avenue, Manila.

“Hallow is an old name for holy, but (Halloween) evolved and went to the secular culture, and it emphasized death, darkness, and horror. But for us in the Church it’s really hallow, meaning holy, not hallow which is superficial.”

Bago ipagdiwang ang Halloween kung paano ito ginugunita sa kasalukuyan, nakasanayan na ng mga Pilipino ang pre-colonial na tradisyon ng “pangangaluluwa.” Tuwing gabi bago sumapit ang All Saints’ Day, magtutungo sa mga bahay ang grupo ng mga mang-aawit na tila mga ligaw na kaluluwa mula sa purgatoryo. Upang hindi manggambala ang mga ito, mag-aalok ang mga tahanan ng “kakanin” (rice cakes) o mga pagkaing gawa sa kamote o ube.

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts, naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na sa gabi bago sumapit ang “Undas”, nagpapakita ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na. Kaya naman, nag-aalay ng pagkain para sa mga ito upang hindi sila manatili sa mundo ng mga nabubuhay.

Sinasabing nakuha ng mga Pilipino ang “festive aspect” ng Halloween mula sa Mexicans sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, partikular na sa pistang tinatawag na El Dia De Los Muertos (Day of the Dead). Tradisyunal itong ipinagdiriwang tuwing Nov. 1, kung saan inaalala ang mga pumanaw na mahal sa buhay sa saliw ng musika at kasiyahan.

Kalaunan, nakuha ng mga Pilipino ang pamamaraan ng mga Amerikano sa pagdiriwang ng Halloween, kung saan popular ang “trick-or-treating” at pagsasagawa ng mga party suot ang mga costume na mga halimaw at “supernatural creatures.” Patok din ang pagsusuot ng damit ng mga superhero, cartoon characters, at iba pang fictional entities. Kabilang din sa paggunita ng Halloween ang panonood ng horror movies at pagbabahagi ng mga nakatatakot na kwento. RNT/SA