
HULI sa akto si Mayor Marcy na minumura ang mga doktor sa Marikina City Health Office.
Base sa isang audio recording, sinabi ni Mayor Marcy Teodoro na palagi raw walang supply ng libreng gamot sa mga City Health Center dahil inuuwi raw ito ng mga doktor para sa kanilang mga private clinic.
Pagkatapos nito, minura niya ang mga doktor at tinawag silang “walang kwenta” at “nakahihiya.”
Dagdag pa niya, papalitan daw ang kalahati sa kanila kapag nanalo ang kandidato nila ng partido nila para sa Mayor, si Rep. Maan Teodoro.
Si Rep. Teodoro ang asawa ng kasalukuyang alkalde na tumatakbo para sa pagka-Mayor ng Marikina.
Kasalukuyang nagaganap ang medical caravan na programa ni Teodoro, na nahnumatak ng ilang doktor mula sa City Health Office ng Marikina City.
Pinabulaanan ang mga salita ni Mayor Marcy ng mga doktor at medical health professionals.
Ayon sa isang doktor ng City Health Office na nais manatiling anonymous, “Binawasan na nga ang pondo ng gamot para sa health centers from P80 million to P5 million, sana hindi niya sisihin ang mga doktor sa kakulangan ng gamot. 20 lang kami na doktor na nagseserbisyo sa buong Marikina with a population of 450,000.”
Dagdag ng ilang doktor mula sa Marikina, hindi talaga makatarungan ang ganitong pagtrato sa kanilang mga kapwa doktor:
“Matapos ang pagsasakripisyo para sa bayan noong pandemya, ganito na ang pagtrato sa amin ni Mayor. Hindi naman tama iyon. We asked the Philippine Medical Association and our fellow doctors to hold Mayor Marcy accountable.”
Mayor Marcy, ano’ng masasabi po ninyo dito?
Sabi nga ng netizens na nalaman sa social media ang inyong pagbabanta, sagutin nyo ito at huwag umiwas.