Home NATIONWIDE Mga doktor, eksperto kinikilala ang pagbabago ng pang-unawa sa nikotina

Mga doktor, eksperto kinikilala ang pagbabago ng pang-unawa sa nikotina

MANILA, Philippines – KINIKILALA ng medical professionals at public health experts ang pagbabago sa pang-unawa sa nikotina gaya ng paglipat ng mga naninigarilyo mula sigarilyo sa innovative smokeless products gaya ng vapes, heated tobacco at nicotine pouches.

Sumang-ayon naman ang mga lumahok sa panel discussion sa kamakailan lamang na Global Forum on Nicotine na ang nikotina ay mas lalong kinikilala o napansin para sa malawak na aplikasyon nito kabilang na ang posibleng “therapeutic uses”, at hindi dapat na patuloy na gawing masama at iturong dahilan ng tobacco-related diseases.

Sinabi ni Dr. Garrett McGovern, isang general practitioner na dalubhasa sa gamot sa adiksyon na ang lumalaking popularidad ng e-cigarettes, na higit na ligtas kaysa sa combustible tobacco, ay nag-renew ng interes sa epekto ng nikotina.

“I’m pretty sure before electronic cigarettes arrived, we never heard of nicotine and the developing brain,” ayon kay McGovern.

Sinabi pa rin ni McGovern na ang nikotina ay tila baga “blamed for everything” at itinuturing na scapegoat, kapag ang tunay na usapin at pinag-usapan ay harm reduction.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Mark Oates, director ng consumer groups na We Vape at Snus Users Association sa maling palagay at pang-unawa ng publiko na ang nikotina mismo ang dahilan ng smoking-related illnesses.

“The media are incredibly scared to discuss this issue, which is a huge shame. And science also lacks the ability to research it because funding is hard to come by,” ayon naman kay Oates.

Sa kabila ng nakapanghihikayat na potensiyal ng harm reduction, nagdudumilat ang katotohanan na 1.1 bilyong naninigarilyo sa buong mundo ay nananatiling “pangunahing alalahanin.”

Tinuran naman ni Panel moderator Clive Bates, director ng Counterfactual Consulting Limited, na mayroon pang 1.1 bilyong naninigarilyo sa buong mundo.

“Eight million a year are dying from smoking, hundreds of thousands of people are sick, and we can really do something about that,” ayon kay Bates, tinukoy ang kagyat na pagiging available ng harm reduction products.

Ibinahagi naman ni Dr. Carolyn Beaumont, isang Australian general practitioner ang kanyang naging karanasan na i-prescribe ang nikotina sa mga naninigarilyo na lumilipat na sa vaping.

Lumitaw sa ginawang pananaliksik ni Beaumont na mahigit sa kalahati ng kanyang pasyente na lumipat sa vaping ay mga lalaki na may edad na 30 hanggang 50, nagpahiwatig ng kanilang kagustuhan para sa mas ligtas na alternatibo bago pa mangyari ang pinsala sa paninigarilyo.

Aniya, tinatayang 80% ng kanyang vaping patients ay binalaan ng posibleng pagbabalik sa paninigarilyo kung ang e-cigarettes ay maging “unavailable” na.

Winika naman ni Dr. Alex Wodak, dating director ng Alcohol and Drug Service sa St. Vincent’s Hospital sa Sydney, na ang pagbabawas sa taunang death toll na 8 milyon ay dapat na maging “paramount objective.”

Inilarawan naman ni Dr. Paul Newhouse, director ng Vanderbilt Center for Cognitive Medicine, ang nikotina bilang complex substance na may iba’t ibang epekto sa utak.

Sinabi pa nito ang dalawang katangian sa paggamit ng nikotina, tinukoy ang “recreational at potential therapeutic purposes” nito.

Giit naman ni Oates, walang lipunan na nagsimulang gumamit ng nikotina ang naging ganap na nicotine-free. KRIS JOSE

Previous articleMas matinding parusa sa road rage ipinanukala sa Kamara
Next articlePapua New Guinea niyanig ng M-6.1 na lindol