Home NATIONWIDE Mas matinding parusa sa road rage ipinanukala sa Kamara

Mas matinding parusa sa road rage ipinanukala sa Kamara

MANILA, Philippines – Isang technical working group (TWG) ang binuo ng House Committee on Transportation para pag-isahin ang mga panukalang House Bills (HBs) 1511, 8991, 9140, 9375 at 9559 na naglalayong tukuyin at parusahan ang mga sangkot sa kaso ng “road rage.”

Ayon kay Committee Chairman at Antipolo Rep Romeo Acop, papaspasan ng committee ang pag-isa sa mga panukala upang agad itong maisalang sa deliberasyon at agad na maipasa bilang batas kasunud na rin ng mga insidente ng road rage.

Sa naganap na committee hearing, pinansin ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo kung papaano ang mga kaso ng road rage ay nagiging normal na asal na ng ilang motorista dala na rin ng kawalan ng opisyal na tuntunin na nagbabawal o nagpaparusa sa mga sangkot dito.

Aniya, lubhang mahina ang ipinapataw na parusa na pagsususpindi o pagwawalang-bisa ng lisensya na sa mga motorista na nasasangkot sa road rage kaya nararapat lamang na rebisahin ito.

“Sa pamamagitan po ng hearing na ito, in aid of legislation, ay nais na po nating matuldukan na itong road rage sa ating bayan sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na magpaparusa ng pagkakakulong at penalty sa sinumang motorista na magwawala po sa ating lansangan. We do not condone this kind of attitude in our civil society,” pahayag ni Tulfo.

Nauna nang tinalakay ng lupon ang mga HBs 5249 at 9821, na parehong naglalayon na amyendahan ang Republic Act 11235, o Motorcycle Crime Prevention Act. Gail Mendoza

Previous articleMga pasaherong pinigilang makapasok ng BI, naipon sa NAIA
Next articleMga doktor, eksperto kinikilala ang pagbabago ng pang-unawa sa nikotina