MANILA, Philippines- Sa halip na mag-alok ng financial rewards para sa paghuli ng lamok, dapat tutukan ng local government units (LGUs) ang maigting na environmental cleanup efforts upang labanan ang dengue, ayon sa Philippine Medical Association (PMA) nitong Huwebes.
Nagbabala si PMA President Dr. Hector Santos Jr. sa pag-aalok ng cash incentives sa paghuli ng lamok na maaari umanong mauwi sa mga hindi inaasahang kahihinatnan sa halip na epektibong makontrol ang pagkalat ng sakit.
“Promote more cleaning the environment and removing or destroying breeding sites of mosquito,” pahayag niya.
Kasunod ang kanyang pahayag ng paglulunsad ng isang barangay sa Mandaluyong City launched ng “May Piso sa Mosquito” program, kung saan nag-aalok ng cash rewards sa mga residente sa bawat mahuhuling lamok.
Bagama’t maganda ang intensyon, nagbabala si Santos na maaari itong mauwi sa pagpaparami ng mga tao ng mga lamok upang pagkakitaan sa halip na mabawasan ang populasyon nito—isang phenomenon na tinatawag na “Cobra Effect.”
“Baka gawin pang business at magpa-grow ng mosquito and the larvae para pagkakitaan magbenta nito,” giit niya.
Gayundin, hinimok ng Department of Health (DOH) ang local governments na makipag-ugnayan sa kanila sa anti-dengue programs upang matiyak na epektibo ang mga ito. RNT/SA