Home METRO Mga empleyado ng DFA inilikas sa bomb threat

Mga empleyado ng DFA inilikas sa bomb threat

157
0

MANILA, Philippines – Naghasik ng takot at pansamantalang nilikas ang gusali ng mga empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Lungsod ng Pasay matapos makatanggap ng bomb threat ang ahensya nitong Martes ng umaga, Setyembre 17.

Ayon kay Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita, agad na nirespondehan ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) at Explosive Ordnance Disposal (EOD) ang gusali ng DFA matapos matanggap ang umpormasyon ng bomb threat dakong alas 7:00 ng umaga.

Sinabi ni Pabonita na ang gusali ng DFA, na matatagpuan sa kahabaan ng northbound Service Road ng Roxas Boulevard, ay agad na kinordona at pansamantalang isinara sa mga motorista.

Pagkarating ng mga miyembro ng SWAT at EOD sa lugar ay mabilis na nagasagawa ng pagsasaliksik sa gusali at makalipas ang isang oras bandang alas 8:00 ng umaga ay idineklarang ligtas na ang gusali at walang pampasabog na nakita sa lugar.

Dagdag pa ni Pabonita na nagkaroon ng kinatatakutang insidente makaraang makatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng email ang mga empleyado na Philippine Embassy sa Canada kung kaya’t agad na ipinagbigay alam at inalerto ang mga empleyado ng DFA sa Pasay.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon ng Pasay City police upang matukoy ang pinanggalingan ng naturang bomb threat na naghasik ng katatakutan sa mga empleyado ng DFA. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here