Home METRO Mga estudyante swak sa ilog sa bumigay na tulay

Mga estudyante swak sa ilog sa bumigay na tulay

MANILA, Philippines- Nahulog sa ilog ang dalawang estudyante matapos bumigay ang tulay na dinaraanan nila kasunod ng masamang panahon sa Caraga, Davao Oriental.

Sa ulat nitong Miyerkules, bumagsak ang tulay na gawa sa kawayan dahil sa malakas na agos ng tubig.

Nakahawak sa bato ang isa sa mga estudyante at kanilang guide habang naanod naman ang isang estudyante.

Sa kabutihang-palad, naanod ang estudyante sa mababaw na bahagi ng ilog at ligtas silang lahat.

Samantala, nagbagsakan naman ang ilang puno sa bayan ng Boston.

Sa Mauban, Quezon, pinasok ng tubig-baha ang ilang kabahayan matapos ang pag-ulan.

Gumuho naman ang lupa sa kahabaan ng Andaya Highway sa Lupi, Camarines Norte.

Base sa PAGASA, nagdulot ng pag-ulan ang low pressure area, dating Tropical Depression Quirubin, sa Visayas at Mindanao.

Nagpaulan din ito sa Quezon Province kasabay ng shear line. RNT/SA