Manila, Philippines- Kinailangang tingnan ng GMA top management ang data kaugnay ng renewal ng kontrata ng It’s Showtime.
Ito ang ibinahagi ni Atty. Anette Gozon-Valdes, senior VP ng network.
Hindi na nagbigay si Valdes kung anong data ang kanilang kallangang tingnan.
Pero isa lang ang tiyak–95% ang tsansang mananatili ang Kapamilya-produced noontime show sa Kapuso network.
Sa katapusan kasi ng 2024 mag-e-expire ang kontrata nito.
Pinuri nga ni Valdes ang Vice Ganda-led show lalo na pagdating sa ratings.
Masaya sila sa aspetong ito.
So, hindi na TiktokClock ang papalit sa time slot nito kung ganoon?
It appears kasi–batay sa panayam kay Valdes–nariyan lang ang TiktokClock in case umatras ang Showtime.
Fallback, kumbaga.
Kung tutuusin, napakalaking porsyento na ang 95% para patuloy na subaybayan ang Showtime sa GMA.
Nangako si Valdes na in a week or so ay malalaman na ng publiko ang dapat nitong asahan.
With Showtime’s contract renewal, lalo lang lumabo ang posibilidad na muling papasok ang show na prodyus ng Tape, Inc. ng mga Jalosjos.
Ayon kasi kay Valdes, kinakailangan
daw munang makipag-usap ang Tape, Inc. sa finance team ng network.
Napaulat na hindi pa fully settled ang obligasyon ng Jalosjos-owned company sa GMA.
Samantala, gustuhin man ng PEP na hingan ng reaksyon si Carlo Katigbak hinggil sa pananatili ng Showtime sa GMA ay hindi ito pinayagan ng isang taga-ABS-CBN.
Maging ang future pang collab sa pagitan ng dalawang network ay hindi rin nahingan ng reaksyon si Katigbak.
Matatandaang “clueless” ang lahat ng hosts sa magiging kapalaran ng Showtime.
Pero nangako si Vice Ganda sa tulong ng ibang co-hosts na hindi magiging luhaan ngayong Pasko ang staff at crew ng show. Ronnie Carrasco III