Home NATIONWIDE Mga grupo naghain ng petisyon vs LRT fare hike

Mga grupo naghain ng petisyon vs LRT fare hike

MANILA, Philippines – Nagtungo sa Malakanyang ang transport at mga progresibong grupo para hilingin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil ang LRT-1 fare hike.

Hihilingin nina Bayan President Renato Reyes,Jr., Makabayan senatorial candidates Jerome Adonis, Mody Floranda, at Mimi Doringo, maging sina Mhing Gomez ng Anakbayan at Ernanie Rafael ng PARA commuter group na pigilan ang taas-pasahe.

Nananawagan din ito sa Department of Transportation na ipakita ang basehan ng fare increase at ibasura ang privatization contract na tinawag nilang ‘disadvantageous’ sa mga commuter.

Sa Miyerkules, Abril 2, ay inaasahang tataas ang pamasahe sa LRT-1 ng P5.

Ani Light Rail Manila Coproation (LRMC) President at Chief Executive Officer Enrico Benipayo, kailangan ang taas-pasahe dahil sa tumataas din na operating costs lalo na sa kuryente.

Aniya, ang LRMC ay nag-invest ng P45 bilyon mula nang maging private operator ito siyam na taon na ang nakararaan. RNT/JGC