Home NATIONWIDE Mga gumagamit ng VIP service sa NAIA, dumaraan pa rin sa Customs,...

Mga gumagamit ng VIP service sa NAIA, dumaraan pa rin sa Customs, Immigration

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Manila International Airport Authority na ang kinokolektang P800 para sa VIP service sa Ninoy Aquino International Airport ay hindi nangangahulugang ang pasahero ay hindi na dumaraan sa security procedures.

Ito ay kasunod ng mga reaksyon ng publiko kasabay ng anunsyong tataasan ang bayad para sa VIP service, na P8,000 sa ilalim na ng New NAIA Infrastructure Corp.

“Historically, the service was a privilege given by MIAA free of charge, primarily in the name of public service, to uphold reciprocity arrangements with counterpart agencies and foreign governments,” sinabi ng MIAA, kung saan ang serbisyong ito ay available na noon pang 2013.

Dagdag pa, ang naturang serbisyo “particularly its Meet-and-Assist Service (MAAS) strictly adhered to Customs, Immigration, Quarantine and Security (CIQS) protocols, fully compliant with established airline and government regulations, and was designed to enhance passenger experience.”

Nakikipag-ugnayan din umano ang MIAA sa mga ahensya ng pamahalaan sa VIP services para salain ang mga biyahero.

Ang VIP courtesies ay inilalaan para sa high-ranking officials, foreign dignitaries, at mga opisyal na may kritikal na gampanin.

“As MIAA transitions into its new role as an airport regulator, it remains steadfast in its commitment to uphold the highest standards of safety, security, and professionalism across all its services,” sinabi pa ng airport authority. RNT/JGC